Ipapakita kay Paopao ang masaklap na kapalaran ni Amihan.
Labis na ikalulungkot ni Paopao ang makikita.
Bakas pa rin kay Ybrahim ang pagkalungkot sa pagkawala ni Amihan.
Dahil sa kalungkutan ng ama, nais ni Lira na muling lumapit si Sang'gre Alena kay Ybrahim.
Papayag ba si Alena sa hiling ng kanyang hadiya?
Makakarating ang sarkosi ni Amihan na si Ariana sa Lireo kasama ang kapatid na si Azulan.
Tatanggapin ba sila ng mga Sang'gre?
Tutungo si Aquil sa kuta ng mga Etherian. Aanib na ba siya sa kanyang ama?