GMA Logo Iya Villania at Mel Tiangco
What's Hot

Family and friends surprise Iya Villania on '24 Oras'

By Dianara Alegre
Published July 11, 2020 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania at Mel Tiangco


Sa nalalapit na panganganak ni Iya Villania ay hinandugan siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan ng isang heartfelt video.

Sinorpresa ng mga kaibigan sa industriya at kanyang pamilya si showbiz reporter Iya Villania sa pamamagitan ng isang tribute video sa Chika Minute segment ng 24 Oras, nitong Biyernes, July 10.

Ang video ay tribute ng kanyang mga mahal sa buhay para sa nalalapit niyang panganganak sa ikatlong baby nila ng asawa at host na si Drew Arellano.

Sa kasalukuyan ay hindi pa alam ng couple kung ano ang gender ng third baby nila at hiling ng marami niyang kaibigan na sana ay baby girl ito dahil napakagaling na niyang mommy sa dalawang baby boys niya na sina Primo Arellano at Leon Arellano.

Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe sa video ang ang Mars Pa More co-host ni Iya na si Camille Prats.

"Almost every episode, imposible na wala siyang masasabi na hindi nakakatawa or parang, 'Mars tama ba na sinabi ko 'yon?'

“Lagi siyang may gano'n and I think that's very Iya. Kailangan mo maranasan kung ano 'yung dynamic naman na may anak na babae. Sobrang galing mon ang mag-alaga ng boys, e,” aniya.

WATCH: Iya Villania and Drew Arellano are expecting baby no. 3

Celebrities share their bets on the gender of Drew Arellano and Iya Villania's third baby

Never imagined this is what 34 would look like for me 😆 it was a good day ❤️ thank you, Lord ❤️🙏🏼🤣 and thank you everyone for the love 🥰 📸 @drewarellano

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania) on

Hindi rin nawala sa tribute na ito ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

“Our wish for Drew and Iya now that outnumbered na kayo, technically outnumbered na kayo, enjoy the roller coaster ride. Gamit na gamit n'yo ang mga muscles n'yo ngayon dahil may bagong baby na darating. I'm so happy for you guys,” sabi ng aktres.

Dagdag pa ni Ryan, “Congratulations, the third one is always the game-changer so good luck guys.”

Siyempre pa, bumida rin dito ang asawa niyang si Drew at mga anak na sina Primo at Leon.

“Hi Mama. As if we live naman in a big house so it's hard to keep this video while you are in the bathroom I think. We just want to let you know, we love you so much. We can't wait for the third baby. I love you, Mama. We're rooting for you, Mama! Have a safe delivery, Mama,” pahayag ni Drew.

Drew Arellano shows Iya Villania's baby bump, netizens speculate on the gender

Your clingy family 😂 just how you like it 😂 with another to come in a few weeks! Are you ready to be outnumbered? 🤪 not sure how we're gonna handle 3 but we'll find out together 😂 We love you, papa! Happy Father's Day 🥰

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania) on

Panoorin sa 24 Oras report na ito kung ang naging reaksyon ni Iya: