Filtered By: Showbiz News | News
Kapuso Brigade, nagkaroon ng first-ever online fan meet with Ana Feleo, Mikoy Morales and Mikee Quintos
Published On: July 5, 2020, 05:01 PM
Nakasama ng Kapuso fans ang ilang Kapuso stars!
Isang kumustahan ang naganap kasama ang Kapuso fans at Kapuso stars nitong July 3.
Handog ng GMA Network sa mga Kapuso fans, ginanap ang kauna-unahang Kapuso Brigade Zoom Fan Meet.
Kasali sa online fan meet na ito sina Ana Feleo, Mikoy Morales at Mikee Quintos. Kanilang nakausap ang mga Kapuso brigade members na binigyan ng pagkakataon na makasama online ang kanilang mga idolo.
Bukod sa kumustahan, binigyan din ng pagkakataon sina Ana, Mikoy at Mikee na ibahagi ang 'How Do You Feel' episode na tungkol sa womanhood.
Ito ay umere nitong July 4 sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.
Trending Articles