What's Hot

Jon Lucas, proud na nakasama sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa 'DOTS Ph'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 2, 2020 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Jon Lucas on being a Kapuso


Isang taon na mula nang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network ang aktor na si Jon Lucas kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat sa pagmamahal at pagtitiwala sa kanya ng network.

Ramdam na ramdam ni Jon Lucas ang pagtitiwala at pagmamahal sa kanya ng mga Kapuso, isang taon matapos siyang pumirma ng exclusive management contract sa GMA Network.

Saad ni Jon, proud siya na makasama sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado sa Philippine Adaptation ng Descendants of the Sun.

Aniya, “Dumating na ang isa sa mga bagay na ikararangal ko bilang Kapuso, na ako po ay napagkalooban ng pagkakataon na makasama sa isang proyekto ang ating Big Boss na si Sir Dingdong Dantes at ang nag-iisang Jennylyn Mercado.

“'Yun po siguro ang nakakaproud na moment as of now as a Kapuso.”

May hiling din si Jon para sa GMA Network sa ika-70 anibersaryo nito.

“Sa GMA po at sa atin pong mga Kapuso, unang una, ako po ay nagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos dahil patuloy niyang binibigay sa atin ang mga pagtatagumpay,

“Sana po ay patuloy pa po Niya kayong gantimpalaan ng mga biyaya para po marami pa po kayong matulungan at para patuloy po na maisagawa ang pagseserbisyong totoo.

“Patuloy po kayo mag-iingat at sana mahayag pa sa buong mundo at sa ating mga kababayan na ang GMA ay tunay na Kapuso nila habang sila ay nabubuhay.”

Panoorin ang mensahe ni Jon sa GMA: