Mikee Quintos, nakakakuha pa rin ng feedback mula sa 'Onanay' at 'Encantadia' fans
Dalawa sa mga nakaraang palabas ni Kapuso actress Mikee Quintos ang kabilang sa special programming ng GMA Network habang quarantine.
Nauna nang ipinalabas ang hit GMA Telebabad series na Onanay, na nagkaroon ng pangalawang buhay sa GMA Afternoon Prime noong simula ng enhanced community quarantine (ECQ).
Gumanap siya dito bilang ang mapagmahal na anak na si Maila. Kasama naman niya sa teleserye sina Jo Berry, Cherie Gil. Nora Aunor, at Kate Valdez.
Kasalukuyan namang umeere ang 2016 telefantasya series na Encantadia, na requel ng 2005 iconic series na may parehong pamagat.
Gumanap naman siya dito bilang fan favorite na si Lira.
"Siyempre natutuwa ako na sobrang napa-reminisce din ako. Wow, Onanay and [Encantadia]. I'm fairly new. Magpa-five years pa lang ako sa showbiz and 'yung mga projects na nakasama ako so far na blessed akong maging part of is umeere ulit," pahayag ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Positibong bagay daw para sa kanya na mai-replay ang mga dati niyang palabas.
"It's a good thing, right? That means, 'yung mga shows na 'yun 'yung napakapag leave ng mark sa mga tao," aniya.
Hanggang ngayon daw, nakakatanggap pa rin si Mikee ng feedback tungkol sa Onanay at Encantadia.
"Most of the comments that I see online are fans na nag-follow na noong shows before. Most of them sinasabi, na miss nila [ang show]," kuwento niya.
Nagiging pagkakataon daw ito na makipag-connect pa rin siya sa mga audience kahit walang bagong palabas.
"I guess 'yung difference lang is 'yung effect na habang ECQ, ganoon pa rin 'yung binibigay nilang love. It makes it more real, more concrete, the love that they have for the shows.
"They connect to the characters on a personal level and because of that, I connect to them on a personal level. Na-appreciate ko 'yun," aniya.
Alamin ang iba pang opinyon ni Mikee tungkol sa replays sa eksklusibong video na ito:
Minsan nang inamin ni Mikee na very humbling para sa kanya ang nangyayaring pandemic.
Inilaan niya ang kanyang oras para sa school work at hobbies tulad ng pagguhit at pagtugtog ng musical instruments.