Dingdong Dantes, itinuturing na biggest break sa GMA ang pagganap sa 'T.G.I.S'
Sa higit na 20 taon at napakaraming shows ni Dingdong Dantes sa Kapuso network, itinuturing pa rin ng Kapuso Primetime King ang youth-oriented TV show na T.G.I.S. bilang defining moment niya sa network.
Kuwento niya sa naganap na blogcon kahapon, June 25, ito ang nagbukas sa kanya ng pinto na mahalin ang pag-arte at industriya ng showbiz.
Aniya, “Konektado ito sa sinabi ko noon na pagbubukas ng pinto kasi ito yung first show ko sa GMA at iyon yung T.G.I.S.
“Para sa akin, 'yun 'yung pinaka memorable dahil ito 'yung panahon na nag-aalangan pa ako kasi 'di ko alam kung ano bang gusto ko pero nandun ako. Hanggang dun sa after ng show na 'yun, unti-unti ko nang nagustuhan 'yung pag-arte.
“'Yun din 'yung unang show na una kaming nagkasama ni Direk Dominic Zapata. Imagine that was 21 years ago? At siya rin 'yung director namin ngayon sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation). So, that was one of his first directorial jobs at magkasama kami and it was really memorable.”
Nagpahiwatig din ang Kapuso actor na may posibilidad na mapanood muli ang show sa telebisyon sa tulong ng GMA Affordabox.
Pabirong dagdag niya, “Posible siyang mapalabas ulit dito sa ating GMA Affordabox, ha. Posible siyang ipalabas ulit.
“Imagine these shows na tinatanong natin dati kung kailan ba natin mapapanood ulit? Ngayon, maaari siyang magkaroon ng rerun na mas makulay at mas malinaw.”
Noong dekada '90, napabilang si Dingdong sa second batch ng youth-oriented show na T.G.I.S. kung saan ginampanan niya ang role na si Iñaki at naka-love team si Antoinette Taus.
Ngayon, gumaganap na siya bilang si “Big Boss” sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) na mapapanood pansamantala sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.
Dingdong Dantes, Antoinette Taus react to throwback photo of their T.G.I.S. days
IN PHOTOS: Dingdong Dantes and 'DOTS Ph' Alpha Team banner 2020 calendar