Dingdong Dantes on being a Kapuso for 20 years: "Lahat ng nakikita ko sa bahay, resulta at produkto ng pagiging Kapuso"
Sa loob ng 22 taong pagiging Kapuso, masaya ang batikang aktor na si Dingdong Dantes na nakikita niya sa kanilang bahay ang resulta ng kanyang pagtatrabaho sa GMA Network.
Ayon sa Kapuso Primetime King, ang GMA Network ay ang kanyang pamilya at tahanan.
“For me a Kapuso, it means na you're part of a family, you're part of the home,” pag-amin ni Dingdong.
“Lahat nang 'to, na-realize ko noong quarantine. Nakapag-reflect ako na halos higit kalahati ng buong buhay ko ay Kapuso ako.
“Lahat ng nakikita ko, kaliwa't kanan sa bahay, ay resulta at produkto ng pagiging Kapuso.
“And not to mention, pati 'yung asawa ko, sa Kapuso network ko nakilala.
“Markado na sa buong pagkatao ko ang pagiging Kapuso.”
Nagsimula ang showbiz career ni Dingdong noong 17 years old pa lamang siya nang nakasali siya sa youth-oriented show ng GMA na T.G.I.S.
Kahit na marami na siyang pinagbidahang serye tulad ng Marimar, Dyesebel, Stairway to Heaven, at Alyas Robin Hood, ang T.G.I.S. pa rin ang proudest Kapuso moment ng Kapuso Primetime King.
Alamin kung bakit sa kanyang #SolidKapuso video:
Sa kasalukuyan, gumaganap si Dingdong bilang Big Boss sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.
Muling napapanood sa GMA Afternoon Prime ang Stairway to Heaven na unang ipinalabas noong 2009.