Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Netizens, naantig sa teaser ng bagong K-drama ng GMA The Heart of Asia

By Cara Emmeline Garcia
Ikinatuwa ng netizens ang teaser ng upcoming Korean drama!

Umere na kahapon ang teaser ng panibagong Korean drama na hatid ng GMA The Heart of Asia na dadagundong ngayong Hunyo.

At base sa comments ng netizens sa official Facebook at Twitter accounts ng Heart of Asia, certified gold ang mapapanood ng K-drama fans.

Marami ang nagsasabing isang malaking pasabog ang hatid ng GMA ngayong Hunyo dahil napakagaling ng mga artistang gaganap sa serye.

Saad ng isang netizen, “I like the teaser, interesting, and mukhang maganda 'yung story.”

Habang ang isa naman ang nagkomento, “Pang-international level ang pasilip!”

Source: OfficialGMAHOA (Facebook)

Mayroon ding ilan na nakapansin sa lead actress nito na si Kim Nam-joo na gumanap na sa Unexpected You sa GMA Heart of Asia noong 2018.

Kaya naman ang biro ng isang fan, “Ang pagbabalik ni Kim Nam-joo sa GMA Heart of Asia!”

“Nanalong Best Actress sa dramang iyan si Kim Nam-joo! Ang galing,” sambit naman ng isa.

Source: OfficialGMAHOA (Facebook)

Panoorin ang official teaser trailer nito:

Abangan ang iba pang pasabog ng Korean drama na ito na puno ng pagnanasa at ambisyon, dito lang sa GMA.

Bagong K-drama na hatid ng the Heart of Asia, hinulaan ng netizens

Abangan ang bagong teaser ng panibagong drama ng GMA The Heart of Asia

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.