TRIVIA: Artista na may lahing Chinese
Kilalanin kung sino sa inyong favorite celebrities ang may Chinese blood.
Ken Chan
Inamin ng 'My Special Tatay' star na si Ken Chan sa panayam ng 'Power House' na ang pamilya niya ay Buddhist.
Chris Tiu
Sa litratong ito, nag-pose si Chris kasama ang litrato ni Tiu Hun Chiong (middle frame), ang kanyang great grandfather na nagsilbing ika-limang principal ng Tiong Se Academi, ang una at pinakamatagal nang itinayong Chinese school sa bansa.
Inanunsyo sa social media ni Chris na siya ay magre-retiro sa paglalaro ng basketball. Huling team sa PBA ng 'iBilib' host ang Rain or Shine Elasto Painters.
Rachelle Ann Go
Siya ay may Chinese-Filipino roots at ngayo'y base sa London bilang theater performer sa West End. Talagang woman of the world si Shin!
Joyce Ching
Sa 'Hahamakin Ang Lahat,' ang programa pinagbidahan noon ni Joyce, pinakita ang ilang mga pagsubok ng relasyong Filipino-Chinese.
Xian Lim
Kapag Chinese New Year, pumupunta raw si Xian sa Binondo para sa mga charms na kailangan niya.
Enchong Dee
Proud daw si Enchong na maging isa sa mga celebrities na kumakatawan sa Chinese-Filipino community dito sa bansa.
LJ Reyes
Lumaki man sa mga Chinese traditions si LJ tulad ng feng shui at lucky charms, mas pinaniniwalaan niya ang awa at grasya ng Panginoon.
Heart Evangelista
Parte si Heart ng Ongpauco clan, ang may-ari ng Barrio Fiesta Group of restaurants.
Dennis Trillo
Hindi alam ng nakararami na ang full name ng Kapuso hunk na ito ay Abelardo Dennis Florencio Trillo Ho.
Slater Young
Ang model, actor at engineer na si Slater ay mula sa isang Chinese family na naka-base sa Cebu.
Teng brothers
Matapos magpasiklab sa UAAP ang Teng brothers na sina Jeron at Jeric, ngayon naman gumagawa sila ng pangalan sa professional league na PBA. Parte ng Alaska Aces si Jeron Teng, samantala free agent si Jeric Teng matapos ang kontrata niya sa Kia Picanto. Ayon sa panayam nila sa isang website, sinabi ng magkapatid na mayroong silang Chinese roots at may mga sinusunod silang tradisyon tulad nang pabisita sa mga templo at tumatalima sila sa feng shui.