Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Rocco Nacino, nag-aalala para sa kanyang mga empleyado: "Kailangan na ba namin magsara?"

By Dianara Alegre
Rocco Nacino, nangangamba para sa kinabukasan ng kanyang gym business at mga empleyado.

Inamin ni Descendants of the Sun star Rocco Nacino na nakararanas siya ng stress at anxiety attacks dahil sa pag-aalala sa kanyang business na apektado ng community quarantine.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras kay Rocco nitong Huwebes, May 28, ibinahagi ni Rocco ang kanyang nararamadamang pangamba sa gitna ng COVID-19 crisis.

“Nakikita ng mga tao, 'Uy ang swerte naman ni Rocco, okay siya.' 'Wow, wala siyang problema, may naipon naman siya.'

“Pero hindi, e. Behind those smiles, sometimes 'di mo rin alam 'yung pinagdadaanan ng mga tao,” sabi ni Rocco.

Ayon kay Rocco, apektado rin talaga ang mga tulad niyang artista at entrepreneur sa panahon ngayon.

“Hindi kami naiiba sa mga tao ngayon. Kaya ako nagkakaroon ng anxiety, kasi ang mga business ko ay mga boxing gyms.

"Isa 'yon sa mga gyms na kailangan manatiling sarado muna kasi direct contact 'yan, e.

“Nakaka-stress isipin na paano na, paano na ang new normal? Paano kami mag-o-operate? Kailangan na ba namin magsara? Mawawalan ng trabaho mga trainers namin,” anang aktor.

Work your ass off. No excuses. 👊🏽 @underarmourph

Isang post na ibinahagi ni Rocco Nacino (@nacinorocco) noong

Rocco Nacino spends 33rd birthday "boosting the morale" of COVID-19 frontliners

Rocco Nacino, dama ang hirap ng COVID-19 frontliners

Bukod sa kanyang mga negosyo, tigil din muna ang construction ng kanyang ipinapatayong dream house.

“Alam ko sa mga past interviews natin, lagi ko sinasabi kung gaano ako ka-excited na lumipat na. Puwedeng-puwede na talaga lumipat but sobrang higpit ngayon sa village namin.

“Parang makapag-finishing ay sakit din sa ulo kasi gusto mo i-maintain 'yung safety ng lahat ng tao, at ayaw mong makapagsimula ng scare sa magiging bagong tahanan ko,” dagdag pa ni Rocco.

Pero sa halip na magmukmok at magpakain sa lungkot, ginagawa na lamang ni Rocco na produktibo ang kanyang mga araw sa pamamagitan ng pagpapasaya sa kanyang fans online.

Bilang isang Navy reservist, aktibo rin si Rocco sa pagtulong sa mga proyekto at aktibidad ng Philippine Navy sa gitna ng pandemic, gaya ng isinagawang feeding program at pag-aabot ng tulong sa iba pang sundalong frontliner.

Supported yesterday's feeding activity for our quarantined marine soldiers spearheaded by Brigadier General Cherisse Manzano of the Marines. Pinuntahan namin ni @gohingmelissa at ng team S.T.A.R.S ng Philippine Navy ang mga frontliners natin upang mapasalamatan sila nang personal sa tulong na ginagawa nila para satin. Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpaquarantine. Imagine yung tagal na di mo makakasama ang pamilya nyo. Strict contact policy kahapon, kaya kwentuhan from afar nalang ang naganap with our frontliners. Muli, salamat sa inyo, sa officers natin, at sa kapwa natin reservists at volunteers na nagtutulong tulong para makabangon tayo agad. Snappy salute! #PhilippineNavy

Isang post na ibinahagi ni Rocco Nacino (@nacinorocco) noong

Rocco Nacino at Melissa Gohing, katuwang ng PH Navy sa feeding activity

Rocco Nacino and Melissa Gohing launch COVID-19 fundraiser

“Ginagawa ko is really taking a step back. Nandito na 'yung sitwasyon. Nandito na 'yun, e. Wala na akong puwedeng gawin para baliktarin 'to. So what can I do so that magbe-benefit ako.

“[Kapag] may hindi magandang nangyayari sa 'yo, you use it to turn something negative into something positive,” sabi pa ni Rocco.

Si Rocco ay isa sa mga celebrity na patuloy na tumutulong sa frontliners at mga nangangailangan na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.