GMA Logo KMJS Lhixie
What's Hot

KMJS: Buto't balat na batang si Lhixie mula Samar, kumusta na ngayon?

By Bianca Geli
Published May 27, 2020 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

KMJS Lhixie


Nitong Marso, itinampok ng 'KMJS' ang batang taga Samar na si Lhixie na halos buto't balat na. Kumusta na kaya siya ngayon?

Mahigit dalawang buwan na nang matunghayan ang kuwento ng batang babae na si Lhixie sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kasama sa mga sinalanta ng Typhoon Ambo ang Samar, mabuti na lamang at nakalikas agad si Lhixie at ang kaniyang pamilya.

Dahil sa kahirapan, hindi na makatayo at makalakad ang sampung taong gulang na si Lhixie dahil sa malnutrition. Dinala ng Kapuso Mo, Jessica Soho si Lhixie sa doktor para mapatingnan.

Matapos din maitampok ang istorya ni Lhixie, dumagsa ang pagtulong sa pamilya ni Lhixie. Mula sa kapiranggot na 8 kilos, nasa 16 kilos na ngayon ang timbang si Lhixie.

Saad ng kaniyang ina na si Lourdes, "Dati, kahit 10 pesos hindi namin mahagilap kung saan-saan. Hindi kami makabili ng gatas. Ngayon, nakakabili na kami ng gatas kahit mahal dahil sobra-sobra po ang ibinigay na tulong para sa akin at sa aking anak. More blessings po sana ang dumating sa inyo. Maraming maraming salamat."

Panoorin:


Quarantine diaries ng Dantes Squad, tampok sa KMJS!

KMJS: Iba't ibang quarantine game show, nagsulputan online