
May payo ang aktres na si Kyline Alcantara para sa 'Team Jolly' na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Sa latest vlog ng AlFia, prank call lang sana ang gagawin nina Sofia at Allen kay Kyline pero biglang napunta ang usapan nila sa buhay ng dalawa.
“Wala ka bang sasabihin? Kumusta kayo ni Allen? Charot” biglang tanong ni Kyline nang aminin ni Sofia na prank call lang pala ang kanyang ginawa.
Ang hindi alam ni Kyline, magkasama sina Sofia at Allen.
Sagot ni Sofia, “Okey naman.”
Patuloy ni Kyline, “Okey naman? Okey, sige. Stay in love.”
Bukod kay Kyline, na-prank din nila ang StarStruck Season 7 alumni na sina Kim De Leon, Shayne Sava, Abdul Raman, at Radson Flores.
Panoorin ang pagpa-prank nina Sofia at Allen sa ilang Kapuso celebrities:
Parte si Kyline ng star-studded cast ng TV adaptation ng Bilangin ang Bituin sa Langit na kung saan kasama niya rin sina Mylene Dizon at Ms. Nora Aunor.
Samantala, mapapanood naman si Sofia bilang Donna Lyn sa top-rating afternoon drama na Prima Donnas kasama sina Jillian Ward at Althea Ablan.
Habang hindi napapanood ang dalawang palabas sa telebisyon dahil sa COVID-19, maaring balikan ang past episodes nito sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.