
Sa halos dalawang buwang pagpirmi sa bahay dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19 ay marami na umanong napagtanto ang comedy duo na sina Boobay at Tekla.
Kabilang sa mga natutunan ng The Boobay and Tekla Show hosts ang kahalagahan ng pag-iipon.
“Very important pala talaga 'yung mayroon kang itinatabi para sa mga ganitong pagkakataon,” sabi ni Boobay.
Kagaya ng sentimyento ni Boobay, nagsisi rin umano si Tekla na hindi siya naghanda para sa mga sitwasyong kagaya ng nagaganap ngayon.
“Kung ano 'yung naipundar natin nu'ng mahabang panahon, sa ganito lang na ka-abrupt na buwan, parang doon ko na-realize 'yung dapat mag-ipon pala.
“May mga sisi rin ako sa sarili ko na bakit ako gumastos nu'ng mga nakaraan na hindi ko inisip ang mangyayari. 'Yun ang pinakamalaking lesson,” ani Tekla.
Bukod dito, nagbigay din ng payo si Boobay tungkol sa tamang paggamit ng face mask.
“Dapat mayroon kang mask. Pero advice lang sa mga Kapuso, 'wag n'yong ulit-ulitin every day 'yung mask kagaya ng ginagawa ko kasi napagalitan ako one time,” pag-amin ng komedyante.
Boobay, abala sa donasyon para sa frontliners at staff ng comedy bars
Dahil matagal nang napirmi sa bahay, ibinahagi rin nila ang mga plano nilang gawin pagkatapos ng quarantine.
“Ako ang plano kong gawin talaga umuwi ng probinsiya sa Zambales, sa family ko,” ani Boobay.
Pinag-iisipan naman daw ni kung paano niya pasasalamatan ang mga frontliner, “I don't know kung anong way na puwede kong pasalamatan 'yung mga magigiting natin na mga frontliners.”
Panoorin ang buong 24 Oras report: