Showbiz News

EXCLUSIVE: Mylene Dizon, struggle ang pagiging ina habang umiiral ang quarantine

By Aaron Brennt Eusebio

Aminado ang batikang aktres na si Mylene Dizon na nahihirapan siyang mag-isip ng mga ilulutong pagkain habang umiiral ang community quarantine.

Pag-amin ni Mylene, mas madalas siyang nasa kusina ngayon dahil busy siya sa pagluluto para sa kanyang mga anak.

Kasama rin ni Mylene ang nobyo na si Jason Webb at ang dalawa nitong anak.

TRIVIA: Meet the handsome boyfriend of Mylene Dizon, Coach Jason Webb

“Parang feeling ko buong araw akong nasa kusina, [kung] wala ako sa garden, nasa kusina ako,” kuwento ni Mylene nang makausap ng GMANetwork.com sa pamamagitan ng Skype.

“Kasi apat na bata ito e, kain sila nang kain!

Ayon kay Mylene, hindi niya dati masyadong iniisip ang mga putahe na kailangan ihanda dahil noon ay isang beses lang siya kailangan magluto dahil nasa eskwelhana ang mga anak.

“Ngayon almusal, tanghalian, snack, dinner, at saka you want to keep it interesting.”

“You have to keep it interesting with food. You don't want to them to tell naman na, 'Ha? Ito na naman?'”

Panoorin ang buong pahayag ni Mylene:


Kabilang si Mylene sa star-studded cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit na pansamantalang hindi napapanood dahil sa enhanced community quarantine.

Ang Korean drama na Strong Girl Bong Soon ang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit.