Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Kate Valdez, napa-"Sana All" na lang sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto

By Felix Ilaya
Bakit napasabi ng "Sana All" si Kate Valdez sa relasyon ng JakBie?

Hindi man sila nagkikita-kita sa taping, close na close pa rin ang cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa pamamagitan ng social media.

Sa Kapuso Showbiz News interview ng GMANetwork.com kay Kate Valdez, inamin niya na updated daw siya sa kanyang cast mates sa show.

Napanood niya nga rin daw ang bagong vlog nina Barbie Forteza at Jak Roberto kung saan tinuruan ni Jak si Barbie paano magluto ng beef salpicao sa pamamagitan ng video chat.

"Opo nakita ko 'yon, ang sweet! Sana all[laughs]! Kahit naman malayo sila ni Kuya Jak, talagang gagawa nang gagawa ng paraan para [magkita sila]," aniya.

Ngayong enhanced community quarantine naman, isang sa mga naging bagong libangan ni Kate ang pagti-TikTok. Sa katunayan nga ay mayroon na siyang millions of views sa loob ng isang buwan.

Panoorin ang Kapuso Showbiz News interview ni Kate sa video below:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.