What's Hot

Glaiza de Castro, honored na maging young Megastar

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 13, 2020 8:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Malaking pressure daw para sa young star na gumanap bilang batang Melinda Uy, ang role ni Sharon Cuneta sa "Mano Po 6."
Malaking pressure daw para sa young star na gumanap bilang batang Melinda Uy, ang role ni Megastar Sharon Cuneta sa "Mano Po 6: A Mother's Love." Text by Erick Mataverde. Photos courtesy of Regal Films. Isa sa mga tampok na entries sa Metro Manila Film Festival this year ay tungkol sa pagmamahal ng ina sa kanyang anak, ang Mano Po 6, mula sa Regal Films. Sa press conference last December 15, nakausap ng iGMA si Glaiza de Castro, who admitted to be flattered to be given the chance to play the young Sharon Cuneta in the movie. stars"Siyempre, to play Ms. Sharon Cuneta, 'di ba parang ang laki-laking privilege ito na mai-pattern ka sa sa mga ganitong films. 'Yung masama ka sa mga ganitong film, tapos siya pa yung ipi-play mo," expressed Glaiza. "Malaking pressure para sa akin, kasi kumbaga ako yung binalikan, ako 'yung flashback and maco-compare talaga kung parang nagbigay ba [ako] ng justice dun sa young Melinda [Uy]." Masasabi na tumatak sa isip ng mga tao, pati na din sa mga Regal executives, ang mga pagganap ni Glaiza bilang kontrabida na si Gladys sa Sine Novelang Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin at si Eunice naman sa hugely successful, at katatapos lamang, na prime time hit na Stairway To Heaven. Happy naman si Glaiza sa naging outcome ng performance niya sa Mano Po 6. She explains, "Ginawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin. I don’t think about pressure kasi the more you think about it, the more it gets to you. I hope naman I did good in my performance and ayos naman, kasi si Direk Joel (Lamangan) 'yun." A lesson in humility Sa kabila ng papuri at mga bessings niya ngayong taon, Glaiza keeps her feet on the ground and thankful lamang sa mga tagumpay na inaani niya, thus far. "Well, parang ang ang daming nangyari talaga this year, parang it made me more human kasi before parang walang silbi ang buhay ko. Kailangan mo talagang mag-antay for something to make you realize that everything talaga has a purpose and everything happens for a reason," contemplates Glaiza. "To look deeper talaga into things and count your blessings. Ano ang resolution niya sa darating taon? "New Year’s resolution ko, hindi na ako mag-iisip masyado (laughs), kasi medyo may pagka pessimistic kasi ako minsan--minsan lang naman. Pero ngayong 2010 mas magiging positive na ako and hindi ako magpo-procrastinate," Glaiza reveals, "gagawin ko na kung anong dapat kong gawin." Kaya sa mga fans at supporters ng isa sa mga promising young stars ngayon, expect bigger and better things from her this coming year. Huwag kaligtaan panoorin si Glaiza sa Mano Po 6: A Mother's Love during the Metro Manila Film Festival. Pag-usapan si Glaiza de Castro. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMA Forums! Not yet a member? Register here! Kamustahin si Glaiza via Fanatxt! Text GLAIZA ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS GLAIZA ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.