Pagpanaw ng comedian na si Babajie, pinabulaanan ng kanyang pamilya
Nilinaw ng pamilya ni Alfredo Cornejo o mas kilala bilang si "Babajie" ang kumalat na balita na pumanaw na ang komedyante.
Ang Tunay na Buhay nina 'Babaji' at 'Bale'
Sa pamamagitan mensahe sa Facebook pinabulaanan ng ina Babajie, na si Minda Cornejo, na hindi totoo ang kumakalat na balita tungkol sa komedyante.
Sabi niya sa GMA Network.com, mas bumuti na ang kalagayan ng kanyang anak ngayon, ngunit hindi pa rin nakakaupo.
Sa pamamagitan naman ng Facebook post, isang kaanak ang nagsabi fake news ang balitang pumanaw na ang komedyante.
Sabi sa post, "Sa mga nagpapakalat ho ng fakenews jan na patay na kuya ko. Ayan ho kapatid ko. Buhay na buhay pa.
"Salamat po sa mga nagdasal at tumulong para sa kapatid ko. God bless you all."
Pinaalalahanan din niya ang publiko na, "'Wag basta maniniwala kung di naman galing sa pamilya ang balita. Fake news."
Bago ito, sinabi rin sa post sa Facebook ni Babajie na naka-confine siya sa San Lazaro Hospital.
Bagamat hindi niya tinukoy ang karamdaman ng kapatid, sinabi niya, "Di na po sya makabangon at nagpapagaling na po sya."
Humihingi din ang pamilya ni Babajie ng tulong para sa hospitalization nito.
Nakilala si Babajie sa longest-running gag show na Bubble Gang bilang si "Abaji," na dati ay isang avid fan lamang na pumupunta sa taping ng gag show. At dahil napansin ang kakaibang haba ng kanyang baba ay inimbitahan na siyang mag-extra rito.
Huling napanood sa telebisyon si Babajie noong 2019, nang maitampok sa Kapuso Mo Jessica Soho ang extra sweetness nila ng Italian model friend niyang si Ciro.
Babajie and Italian bae reveal the real score between them