Julie Anne San Jose sa mga brokenhearted: "There are lots of ways para makapag-move on ka"
Dahil extended ang enhanced community quarantine, mas may time ngayon si Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose na pagtuunan ng pansin ang pagsusulat ng kanta.
Nitong Biyernes, April 24, naglabas ang singer-actress ng bagong single na pinamagatang "Better." Agad itong nanguna sa iTunes Philippines matapos i-release.
Sa Spotify naman, Featured New Music Friday ito hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa Hong Kong, Singapore, Thailand, Malaysia, at Taiwan.
“Sobrang thankful and blessed. Actually hindi ko rin ine-expect na ire-release ko 'tong kantang 'to. I decided to release one of my tracks na part din ng magiging upcoming album.
“It's good to release rin some songs to keep your fans and supporters. Actually for everyone naman 'tong kantang 'to,” ani Julie.
Ang "Better," na isinulat niya two years ago ay kuwento ng pagmo-move on mula sa nasirang relasyon.
“There are lots of ways para makapag-move on ka. It's up to you kung gagawin mo o hindi. Napakaraming paraan. Ako, na-e-express ko 'yung self ko, 'yung feeling ko through my music. Music has always been a part of my life,” sabi pa niya.
Payo pa ni Julie Anne para sa mga may kinakaharap na pagsubok ngayon, “Don't just focus on your problems. You don't focus on the negative. You always try to look for the brighter side kasi hindi tayo puwedeng manatili sa dilim.”
Celebrities, suportado ang bagong single na 'Better' ni Julie Anne San Jose
Panoorin ang buong 24 Oras report: