Article Inside Page
Showbiz News
The Pinay superhero will face another set of super villains na susubok sa kanyang lakas at kapangyarihan as the show enters its new season this month.
"Darna," the country's original Pinay superhero, and today's top-rating primetime program, faces another set of super villains na susubok sa lakas at kapangyarihan n gating bida as the program enters it new season this December. Press release courtesy of GMA Network with additional text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio
Matapos na makuha muli ang kanyang mga kapangyarihan mula kina Babaeng Impakta, Babaeng Lawin, Babaeng Tuod at Babaeng Linta, Darna continues on her mission to fight the creepy super creatures starting this month. Sina Serpina, Babaeng Manananggal, Babaeng Demonyita, Vladimir, the Vampire at Electra ang hahamon sa ating bida sa ikalawang yugto ng prime time hit.

“May mga bagong kalaban at bagong twists ang Darna na kailangan ninyong abangan kasi patindi ng patindi ang pakikipaglaban ni Darna dito. Excited akong makalaban sila,” ang kuwento ni Marian Rivera sa press conference na ginanap noong Lunes, November 30.
Ngunit hindi mag-iisa ang ating bida sa paglaban sa kasamaan. Kasama niya si Pancho (Dennis Trillo), ang kababatang pulis ni Narda, at ang misteryosong vigilante na si Black Rider (Mark Anthony Fernandez) para tulungan siyang panatilihin ang kapayapaan hindi lang sa San Martin kundi pati sa buong mundo. Pero kayanin kaya nila ang mga paparating na mga kalaban?
Mga bagong kontrabida
Si Serpina, potrayed by Katrina Halili, is the daughter of Kobra and Babaeng Impakta. Nang mawala si Valentina (Iwa Moto), Serpina had no choice but to fulfill her father's wish--ang padamihin ang kanilang lahi. Just like her half-sister, Serpina will also fall for Darna's first love Eduardo (Mark Anthony Fernnadez). Gagawin niya ang lahat para makuha ang pagmamahal ni Eduardo at sisiguraduhin niyang mawawala si Narda, ang alter-ego ni Darna.
Sexbomb Rochelle Pangilinan will play the role of Babaeng Manananggal. Magpapanggap siya as Dra. Deborrah para madali niyang makita at mapili ang kanyang mga biktima. She then transforms into an ugly winged monster at night to wreak havoc sa bayan ng San Martin. Si Deborrah din ang may hawak ng sikreto sa nakaraan ni Ding, ang kaibigan ni Darna na siyang tanging nakakaalam ng tunay na identity ng ating superhero.
Isa namang matipunong dayuhan ang mapapadpad sa bayan ng San Martin. His name is Vladimir, played by
Celebrity Duets 3 finalist Akihiro Sato. Behind his godlike features is a wicked and vicious vampire na walang awang papatay ng mga inosenteng tao.
StarStruck Batch 3 Ultimate Survivor Jackie Rice, on the other hand, plays the character of Helga, isang babaneg may mala-anghel na mukha. Unfortunately, she will be possessed by a powerful evil spirit with extreme wrath and fury na magpapabago sa kanya bilang Babaeng Demonyita.
And last but not the least, Darna will face her most powerful nemesis--si Electra, the Queen of Planet Woman. Portrayed by no less than the Asia's Songbird Regine Velasquez, si Electra ay isang reyna from a different planet na may incredible strength and power na gagamitin niya para sakupin ang mundo.
Kayanin kaya ng ating bida ang mga bagong kontrabida? Maghanda para sa isa na namang action-packed season ng
Darna, weeknights sa GMA Telebabad block.
Pag-usapan ang ikalawang yugto ng Darna sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Laging maging updated sa mga nangyayari sa Darna at kay Marian!
Just text MARIAN (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)