Bianca Umali, ipinakita kung paano gumawa ng face mask gamit ang panyo
Ibinahagi ni Bianca Umali sa Instagram ang simpleng paraan ng paggawa ng isang face mask, kaugnay ng tumataas na demand nito sanhi ng paglaganap ng COVID-19.
Hango sa post ng COVID-19 survivor na si Iza Calzado, ipinakita ng Kapuso actress kung paano gumawa ng mask gamit ang panyo at dalawang hair ties, na karaniwang matatagpuan sa bahay.
Iza Calzado now negative for COVID-19 after retest
Panoorin dito:
Sambit ni Bianca Umali sa caption, "#MaskSimple #LigtasPilipinas
"Simpleng paraan para sa kaligtasan."
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang virtual press conference, aprubado ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagsusuot ng face mask ng publiko para mabawasan ang paglaganap ng COVID-19.
Gov't mandates wearing of face masks in areas under enhanced community quarantine
Aniya, “For areas placed under ECQ, the IATF hereby adopts the policy of mandatory wearing by all residents of face masks, earloop masks, indigenous, reusable or do-it-yourself masks, face shields, handkerchiefs, or such other protective equipment that can effectively lessen the transmission of COVID-19, whenever allowed to go out of their residences."