
Malaking bahagi ng buhay ni Kapuso actress Jo Berry ang GMA drama series na Onanay dahil ito ang first lead role niya bilang isang aktres.
August 6, 2018 hanggang March 15, 2020 ang original run ng serye sa GMA Telebabad.
Isang araw bago ito magtapos, binalikan ni Jo ang pagsisimula ng partisipasyon niya sa serye. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang look test nila ng co-stars na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.
Minsan nang ibinahagi ni Jo na malaking bahagi sina Mikee at Kate sa pagtanggap niya ng proyektong Onanay. Iniidolo kasi niya ang dalawa dahil fan siya ng 2016 telefantasyang Encantadia kung saan lumabas ang dalawa.
"Throwback thursday. Onanay Look test, ang iniisip ko lang ng mga panahong to? paano ko magagawa nang maayos ang trabaho ko nang hindi nakakasagabal yung pagiging fan girl ko sa dalawang to," sulat niya.
Matapos ang isang taon, muling binalikan ni Jo ang finale ng Onanay. Ayon sa kanya, naging emosyonal siya sa last taping day ng serye.
"Same day last year before sunrise umiiyak ako sa kalsada while trying to hug everybody! We started very early that day maraming kailangan tapusin na eksena main unit and second unit mga scenes ko so pingpong ako nakamindset nako na hindi ako iiyak pagnatapos na yung araw na yon dahil hindi naman talaga ako iyakin na tao pero nung narinig ko na yung “pack up!” for the last time as Onay onti onti na nagsink in sakin na hindi ko na makikita or makakasama regularly yung additional family ko na nabuo for almost a year ng buhay ko sa unang sabak ko sa industry ng showbiz. First and Last pung ako mula simula hanggang matapos haha Ayon! Umiyak ako while saying goodbye!" kuwento niya.
Mas naging espesyal pa sa kanya ito dahil naipalabas ang drama sa ibang bansa tulad ng Ecuador.
"Pinapalabas din sa Ecuador ang Onanay ngayon at hindi ko akalain na mamahalin din nila ang kwento ni Onay muchas gracias por apoyar el amor mas grande, Ecuador," dagdag pa ni Jo.
Kasalukuyang napapanood muli ang Onanay, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.