Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Bae-by Baste, may donasyon sa kanyang Papa Sol at ibang PNP frontliners na nagpositibo sa COVID-19

By Cherry Sun
Ready na ang unang batch ng donasyon ni Bae-by Baste para sa COVID-19 positive PNP frontliners na kinabibilangan mismo ng kanyang ama.

Ready na ang unang batch ng donasyon ni Bae-by Baste para sa sa COVID-19 positive PNP frontliners na kinabibilangan mismo ng kanyang ama.

Ilang care packages ang inihanda ng batang Eat Bulaga dabarkad na naglalaman ng gatas, tubig, biswkit at ibang pagkain, gamot, at face mask para sa mga kapulisang tinamaan ng COVID-19 matapos manilbihan bilang frontliners. Kabilang sa mga nagpapagaling ngayon ang kanyang amang si Papa Sol.

Sinamahan din ni Bae-by Baste at kapatid na si Samsam ng get-well-soon letters ang kanilang donasyon.

Aniya, “For our COVID-19 positive PNP Frontliners sa Camp Crame... isa po dun si Papa Sol ko. Kaya po here's a little something for them para malaman nila kahit nasa isolation bldg. po sila, na they are loved and we are thankful for their service.”

Noon ay nag-alay na rin ng kanta at dasal si Bae-by Baste upang mag-abot ng positibong mensahe sa kabila ng banta ng COVID-19.

Si Bae-by Baste ay malapit na ring manapanood sa primetime TV bilang co-star ni Marian Rivera sa First Yaya.

IN PHOTOS: Reasons why we think Bae-by Baste is a great kuya!

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.