IN PHOTOS: Former 'TGIS' cast: Where are they now?
Sa kanilang ika-24 anniversary, kumusta na kaya ang cast members ng sikat na teen-oriented GMA show na T.G.I.S. ngayon?
Raven Villanueva
Nakatira na ngayon sa Amerika si Raven, kung saan kasama niya ang kaniyang asawa at ang kanilang bagong panganak na baby. Mayroon din siyang YouTube vlog, ang LifewithRaven.
Onemig Bondoc
Matapos iwan ang mundo ng showbiz, busy na ngayon si Onemig sa pag-ma-manage ng kaniyang food franchise business.
Red Sternberg
Nakatira na rin sa Amerika si Red Sternberg, kung saan siya namumuhay kasama ang kanyang asawa at ang dalawa nilang anak.
Michael Flores
Kasal na rin si Michael Flores sa dating beauty queen na si Nina Ricci Alagao at biniyayaan sila ng tatlong anak. Paminsan-minsan ay lumalabas pa rin sa telebisyon si Michael.
Bernadette Allyson
Nasa mundo pa rin ng showbiz si Bernadette Allyson matapos niyang mapangasawa si Gary Estrada. May tatlo silang anak na babae na sina Garielle, Gabby and Giana.
IN PHOTOS: Meet Gary Estrada and Bernadette Allyson's beautiful Tres Marias
Rica Peralejo
Huminto na sa pag-arte si Rica Peralejo. Pinagkakaabalahan niya ngayon ang kaniyang YouTube channel. Happily married na si Rica sa asawa nitong pastor na si Joseph Bonifacio at may dalawa silang anak, sina Philip at Manu.
Dingdong Dantes
Napangasawa ni Dingdong Dantes si Marian Rivera at ngayon ay mayroon na silang dalawang anak, si Baby Zia at si Baby Ziggy.
Sunshine Dizon
Nananatiling loyal sa Kapuso network si Sunshine Dizon. Huli siyang napanood sa 'Inagaw Na Bituin' sa GMA Afternoon Prime.
Antoinette Taus
Dino Guevarra
Kim delos Santos
Matagal nang tinalikuran ni Kim ang buhay showbiz. Matagal na siyang aninirahan sa Amerika kung saan isa siyang registered nurse.
Chubi del Rosario
Hindi na rin ipinagpatuloy ni Chubi del Rosario ang showbiz career. Ang larawan sa kanan ay kuha ng minsan silang magkita ng dating ka-lov e team na si Anne Curtis.
Chantal Umali
Isa na ngayong mommy at professional yoga guru si Chantal Umali.
Jake Roxas
Natatandaan niyo pa ba ang happy-go-lucky na si Noel Sta. Maria? Ginampanan ang kanyang karakter ng aktor na si Jake Roxas. Siya ay ipinareha noon kay Bernadette Allyson na gumanap bilang Bea. Hindi na ganun kaaktibo si Jake sa showbiz ngayon.
Maybelyn dela Cruz
Gumanap noon ang batang-batang si Maybelyn dela Cruz bilang ang cute na cute na Maruja. Ilan sa mga gumanap na kaibigan niya noon sina Lester Llansang, Idelle Martinez, Kim delos Santos, at Chico Ventosa.
Aiza Marquez
Kabilang si Aiza Marquez sa 2nd batch ng 'T.G.I.S.' matapos grumaduate ang original cast nito sa spinoff show na 'Growing Up.' Gumanap siya bilang Billie na kaibigan ng mga karakter nina Maui Taylor at Anne Curtis.
Idelle Martinez
Marahil at kilala pa rin ng mga tagahanga ng 'T.G.I.S.' ang dating aktres na si Idelle Martinez na gumanap bilang Samantha Real, ang makulit na nakababatang kapatid ni Peachy (Angelu de Leon). Pagkatapos ng 'T.G.I.S.' ay tuluyan nang nawala sa showbiz ang aktres.
Maui Taylor
Ang aktres na si Maui Taylor ay naging parte rin ng 'T.G.I.S.' nang mag-umpisa ang karera nito. Maraming nakapansin sa ganda at galing ni Maui sa pag-arte. Kasabayan niya noon sina Anne Curtis at Aiza Marquez. Aktibo pa rin ngayon si Maui.
Erika Fife
Ang dating aktres na si Erika Fife ay gumanap bilang ex-girlfriend ni Wacks na si Kiara. Madalas siyang pinagmumulan ng away nila Peachy at Wacks. Hindi na aktibo ang aktres ngayon sa showbiz.