Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Arnold Clavio shuts down fake news of him leaving social media because of threats

By Cara Emmeline Garcia
"Sorry to disappoint po,” ani Arnold Clavio pagkatapos malamang may umiikot na fake news ukol sa kanya.

“Sorry to disappoint po. Hindi ko alam saan mo nakuha ang impormasyong ito. ”

'Yan ang pahayag ni Arnold Clavio matapos makatanggap ng fake news ukol sa kanya.

Ibinahagi ni Igan ang screenshot ng isang Facebook post na nagsasabing tinanggal na niya ang kanyang personal social media accounts dahil nakatatanggap na ito ng mga pagbabanta.

Saad nito, “So apparently Arnold Clavio removed himself from social media. Whatever happened to journalistic integrity?

“Buti pa sa newspaper writers during Martial Law, even when jailed or threatened to be killed, would stand their ground. Many have died to tell their truths and our media people now like Arnold and [Maria] Ressa are not even jailed, but easily wuss out. Puro pabida, walang sustansya.

“Ngayong panahon, 'pag hindi mo mapanindigan ang sasabihin mo, imbes na mag-sorry ka, you will deactivate your social media account and say you were threatened.

“Threatened? By whom? Hindi pwedeng nabuking ka lang na sinungaling?”

Pero paliwanag ni Igan, “Mas madaling mang-intriga at magtago sa terminong 'fake news' kaysa sagutin ang inilatag na mga isyu.

“Nandito pa ako sa Instagram at walang planong umalis. Hanggang ngayon nga ay 'disabled' pa rin ang aking Facebook account at messenger. Salamat sa nagsumbong sa FB.”

Aniya napakarangal ng kanyang trabaho kaya ang tanging motibo niya ay bigyang liwanag ang mga isyu na dapat pag-usapan at mayroong factual basis.

“I am a journalist from mainstream media --- @gmanetwork at @dzbb594. Hindi ako nag-create lang ng account sa social media at bigla entitled nang pumuna o pumuri kung saan mas makikinabang.

“The intent was not to call out or to criticize without any factual basis but to bring to the attention of the authorities an urgent matter that is both worrisome and alarming… I do not peddle fake news. Neither am I courting public attention at the expense of public welfare.

“I hope you don't see me as an antagonist because all I ever wanted was to bring light to the truth. The truth shall set us free.”

May nagpadala lang po sa akin at ikinakalat na ang post na ito. Sorry to disappoint po. Hindi ko alam saan mo nakuha ang impormasyong ito. Mas madaling mang-intriga at magtago sa terminong 'fake news' kaysa sagutin ang inilatag na mga isyu. Nandito pa ako sa Instagram at walang planong umalis. Hanggang ngayon nga ay 'disabled' pa rin ang aking Facebook account at messenger. Salamat sa nagsumbong sa FB. 😊. I am a Journalist from mainstream media @gmanetwork at @dzbb594. Hindi ako nag-create lang ng account sa social media at bigla entitled nang pumuna o pumuri kung saan mas makikinabang.Titulado at may marangal na trabaho at regular na suweldo. At marami na rin naman akong expose na hindi talaga magugustuhan ng mga mawawalan ng pakinabang. Much has been said about what transpired but if I may state and reiterate my position. The intent was not to call out or to criticize without any factual basis, but to bring to the attention of the authorities an urgent matter that is both worrisome and alarming. Ipinarating na nila sa namumuno bago sa akin. Pero walang nangyari hanggang umamoy na ang naagnas na mga bangkay. I do not peddle fake news. At puwedeng balikan ang aking mga post - #notofakenews. Neither am I courting public attention at the expense of public welfare. I hope you don't see me as antagonist because all I ever wanted was to bring light to the truth. The truth shall ser us free. Thank you. Be safe everyone! #labanlang

Isang post na ibinahagi ni AkosiiGan😎 (@akosiigan) noong

Binigyang papuri ang statement ni Igan ng ilan niyang mga tagahanga at mga naging katrabaho sa industriya kasama na riyan si GMA News reporter Oscar Oida.

Kamakailan, binigyang liwanag rin ni Arnold ang ilang fake citations ng influential personalities na pinupuri si President Rodrigo Duterte.

Aniya sa ilang post, “Ang dami talagang oras ng iba. Sana huwag ninyo naman sayangin ang oras para magbuhat ng bangko o purihin ang sarili niyo.

“Sa mga gumagawa nito na wala namang naitutulong sa nakararami, ibahagi ninyo sana ang bayad sa inyo para maipambili ng mga PPEs at N95 masks sa mga frontliner.”

Arnold Clavio gives tips how to avoid being awkward on first meeting

Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.