What's Hot

Iwa, hirap na hirap sa 'Darna'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 4:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Iwa Moto admits na hirap na hirap na siya sa kanyang role bilang Valentina. Alamin kung bakit.
Bilang Valentina sa 'Darna', Iwa expected that she would be playing just another kontrabida role. Pero sa heavy characterization na ibinigay sa kanyang character, Iwa reveals to iGMA na ibang-iba ang role sa kanyang inexpect. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. stars"Yung totoo? Hirap na hirap na ako," Iwa Moto tells us sa taping ng special primer episode ng StarStruck V. She is, of course, talking about her role sa Darna bilang ang kontrabidang si Valentina. The actress explains, "it's hard, kasi nga nasanay ako na nang-aaway lang ako lagi." Bilang Valentina, ibang Iwa raw ang ipinakikita niya, ang pinupursige niyang ipakita sa mga manonood. "Dati nanampal lang ako, mananakit lang ako." Kuwento ni Iwa, sa Darna, hindi na raw ganoon ang pinagagawa sa kanya. "Nagbe-breakdown ako, umiiyak ako, muntik akong mamatay, 'yung nanay ko [ayaw sa akin]—ang hirap, na sobrang nakababaliw 'yung feeling." Dagdag pa ni Iwa, "for the past few days, walang araw na dumating sa akin na hindi ako umiyak. At kailangan ang iyak mo siyempre totoo!" Sabi nga ng dalaga, even after the director yells 'Cut!', "humihikbi pa rin ako sa gilid. Ganoon kasakit." Pero, Iwa admits na natutuwa siya sa trust na ibinigay sa kanya ng network. "Binigyan nila ako ng chance to prove na kaya ko rin [ang ganitong role]." Iwa says she was able to show a different side of her, hindi lang sa kanyang mga fans, pero sa mga taong nasanay nang napapanood siya as a traditional kontrabida. Still, bilang kontrabida naman talaga si Valentina, Iwa says abangan na dapat ng mga manonood ang kanyang transformation to one of the big bads ng show. "Tinakwil na ako ng kaibigan ko, tinakwil na ako ng mahal ko, tinakwil na ako ng mga taong akala ko mabait sa akin." In the October 26 episode, itatakwil na rin si Valentina ng mga taong tinulungan niyang gumaling. "So humanda sila. I'll be back!" During our conversation with Iwa, ibinunyag sa amin ng dalaga na may reason sa pagkakaroon ng dual role ni Paolo Contis ngayon. Bukod kasi sa pagiging Kobra nito ay may bagong character na pino-portray si Paolo sa show: si Sandro. "Sandro is like my brother," Iwa explains. Anak din daw ito ni Kobra sa ibang babae. "Ang sabi ni Kobra, kami ang magpapatuloy ng lipi ng mga ahas." What that would mean para sa character ni Kobra though, you'll just have to watch the show to find out. Ang puwede lang namin i-reveal, malalaman na ng mga taga San Martin kung paano magalit si Kobra at Valentina. At excited na si Iwa for this. "Sa lahat ng sumusuporta ng Darna—thank you! Sana tuloy-tuloy niyo pa ring suportahan. Ang ganda ng Darna: maganda ang istorya, marami pang lalabas na ano—lumabas na si Babaeng Tuod (Francine Prieto); abangan niyo si Babaeng Linta (Maggie Wilson); at abangan niyo ang pagdating ko, ni Sandro, at ng aking kapatid na si Serpina. Siyempre, abangan niyo rin ang pagmamahalan ng dalawang mag-irog na si Narda at si Eduardo."
Don't miss Darna gabi-gabi sa GMA Telebabad. At alamin ang latest tungkol kay Iwa—from Iwa herself! Just text IWA(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Or log on to the iGMA Live Chat on November 12, from 2 p.m. to 4 p.m. to chat with Iwa Moto and Francine Prieto!