Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Mayor Donya Tesoro, nirereto ng netizens kay Vico Sotto

By Cara Emmeline Garcia
Netizens, nirereto si San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Mula kina Gretchen Ho at Isabelle de Leon, ngayon may bagong nirereto ang netizens kay Pasig City Mayor Vico Sotto!

Sa Twitter, hinahangaan ang batang alkalde ng San Manuel, Tarlac dahil sa artistahing ganda nito.

Kaya naman hindi mapigilan ng ilang netizens na i-ship silang dalawa ni Vico para sa kanilang good looks at undeniable service sa taong bayan.

Tingnan ang ilang tweets tungkol sa bagong kinakikiligang tandem na Donya at Vico:

Pero mukhang wala pa sa isip ng batang alkalde ang paghahanap ng boyfriend. Saad kasi ng isang netizen sa batang mayora, β€œGanda ni mayora, bagay sila ni Mayor Vico Sotto ng Pasig.”

Biglang sambit nito, β€œI'm not related to Mayor Vico and I've no time for that. Hehe. Pasensya na po.”

Ayon sa pananaliksik ng GMANetwork.com, ang 28-year-old mayor ay unang naging konsehal at bise-alkalde bago maluklok bilang alkalde mayor ng San Manuel.

Isa siguro sa naging impluwensya para sa kanya na pumasok sa pulitika ay ang ama niya na si Benjamin β€œBening” Tesoro na siyang Vice Mayor ng siyudad ngayon.

Maliban sa kanyang good looks at charm, nag-aral si Donya Tesoro sa OB Montessori sa Greenhills at kumuha pa ng Masters in Public Administration sa Ateneo de Manila University.

Happy birthday to my kamukha. I love you so much, Mom! ❀️

Isang post na ibinahagi ni Donya Tesoro (@mayordonyatesoro) noong

Ang mga babae sa buhay ni Mayor Vico Sotto

LOOK: Vico Sotto tweets and memes na kumakalat online

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.