GMA Logo Mariel Padilla post steak photo in her Instagram
What's Hot

Mariel Padilla, triggered nang may mag-comment sa pinost niyang steak sa IG

By Aedrianne Acar
Published April 1, 2020 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Mariel Padilla post steak photo in her Instagram


Ipinaliwanag ng actress/host na si Mariel Padilla kung bakit hindi siya nagi-guilty nang mag-post siya ng picture ng steak sa kanyang Instagram.

'Tila na-trigger ang celebrity mom na si Mariel Padilla nang may mag-komento sa kanyang i-pinost na picture ng steak na family business ng kanyang lola sa Instagram.

Makikita sa comments section ng Instagram post ni Mariel kahapon, March 31, na may nag-komento nito: "marami ang naghihirap at walang makain."

Kasalukuyang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon at iba pang bahagi ng bansa na paraan ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Dahil dito maraming tao ang walang trabaho at posibleng nagugutom.


Mariel Padilla claps back at mean netizens

Order your Aussie steaks (0929) 797 2901 🥩

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Tumugon si Mariel at sinabi nitong hindi siya dapat ma-guilty sa kanyang IG post.


"@queeniesomera alam mo. I do not feel guilty kahit konti you know why?

"We have done soooooo much more than what you see in social media.

"So if I want to post my lolo's steak. I WILL with no guilt whatsover."


Ipinanganak ni Mariel ang second baby nila ni Robin Padilla na si Maria Gabriela de Padilla noong November 2019 at ang panganay nila na si Maria Isabelle noong 2016 naman.