Filtered By: Showbiz News | News
Ivana Alawi, nagbabala tungkol sa poser Twitter account
Published On: April 1, 2020, 10:46 AM
Nagbabala si Ivana Alawi tungkol sa kanyang poser sa Twitter!
Nababahala ang sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi sa isang Twitter account na ginagamit ang kanyang pangalan.
Sa pamamagitan ng Instagram story, nagbabala ang nakatatandang kapatid ng Kapuso young star Mona Louise Rey na ang account na may username na @IvanaAlawi, na may mahigit sa 13,000 followers, ay hindi konektado sa kanya.
Una na ring ipinaalam ni Ivana sa kanyang followers na mayroon fake Facebook account gamit ang kanyang pangalan at verified pa.
Aniya, hindi sa kanyang ang account na Ivana Alawi na may mahigit sa 890,000 Facebook followers.
Ivana Alawi reacts to her sister Mona Louise Rey's backless photo
Dating sumali sa reality-based artista seach na StarStruck si Ivana, na kilala noon bilang si Mariam Al-alawi
Trending Articles