GMA Logo
What's Hot

Gina Alajar clears that she is negative for COVID-19; slams newspaper for labeling her as PUI

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 30, 2020 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: January 19, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Pinabulaanan ng beteranang aktres at direktor ng 'Prima Donnas' na si Gina Alajar ang kumakalat na balita na isa siyang person under investigation. Inilabas din niya ang resulta ng kanyang COVID-19 test sa Facebook noong March 28

Nilinaw ng beteranang aktres at direktor ng Prima Donnas na si Gina Alajar na hindi siya isang person under investigation (PUI).

Gina Alajar
Gina Alajar

Nakarating ang balita sa batikang direktor na may isang diyaryo na nagsabing isa siyang PUI kaya naman matapang niyang inilabas ang resulta ng kanyang COVID-19 test sa Facebook noong Sabado, March 28.

“I was told that a newspaper writeup said I am a PUI…very late info na po,” sulat ni Direk Gina sa caption ng kanyang post.

"Negative ang COVID test ko and wala akong pneumonia."

Base sa resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine, negatibo ang resulta ng ginawang test kay Direk Gina noong March 14.

'Prima Donnas' stars Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo, may mensahe sa health workers