Manny Pacquiao, negatibo sa COVID-19 gamit ang rapid test kit mula South Korea
Inanusyo ni Senator Manny Pacquiao na negatibo siya sa COVID-19 matapos lumabas ang isang viral video kung saang makikitang nakasalamuha niya si Senator Koko Pimentel, na nagpositibo sa sakit.
Kuha ang video sa pagtitipon ng PDP-Laban political party sa bahay ng boxing champ sa Makati kamakailan.
Ani Senator Manny, gumamit siya ng rapid test kit na pasado sa South Korea pero hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).
Matagal na raw siyang hinihikayat magpa-test Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ngunit minarapat niyang huwag magpasuri dahil wala naman siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19.
Magpapa-swab test na lang daw siya at ang kanyang pamilya kapag may naramdaman sila dahil, aniya, mas maraming persons under investigation (PUI) na dapat unahin sa testing.
Niinaw din ni Senator Manny na nagsimula siya at kanyang pamilyang mag-home quarantine bago pa siya nakatanggap ng sulat mula sa Dasmariñas Village Barangay Captain Rosanna Hwang.
Hindi na raw umalis ang senador ng bahay matapos ang special session ng Senate noong Lunes, March 23.
Gayunpaman, hahanap pa rin daw siya ng paraan para makatulong lalo na sa mga frontliner.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: