GMA Logo
What's Hot

Family K-drama na My Golden Life, muling mapapanood sa GMA!

Published March 24, 2020 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Muling mapapanood ngayong April ang hit South Korean family drama na My Golden Life.

Muling mapapanood ngayong April ang hit South Korean family drama na My Golden Life.

Simpleng empleyado lang si Gillian (Shin Hye-sun) hanggang mabangga niya ang sasakyan ni Dion (Park Si-hoo), ang tagapagmana ng kanyang pinagtatrabahuhan.

Ang kambal naman ni Gillian na si Giselle (Seo Eun-soo) ay nagtatrabaho sa isang local bakery. May paghanga siya kay Luke (Lee Tae-hwan), pero hindi niya alam na may gusto ito sa kaniyang kambal na si Gillian.

Sa isang pagkakamali ng kanilang ina, mababago ang buhay ng kambal at ng mga lalaking nakapaligid sa kanila.

Ipakikilala si Gillian bilang nawawalang kapatid ni Dion kaya maninirahan siya sa bahay ng mga Choi. Ngunit siya nga ba talaga ang nawawalang kapatid?

Binigyang boses pa ng piling mga Kapuso stars ang mga karakter na serye.

Si Sanya Lopez ang nagsilbing tinig ni Gillian, habang si Ayra Mariano naman si Giselle.

Ipinahiram naman ni Ken Chan ang kanyang boses kay Dion at si Bruno Gabriel naman ang boses ni Luke.

Abangan ang pagbabalik ng My Golden Life, simula April 1, bago ang Eat Bulaga sa GMA Heart of Asia.