Showbiz News

Jon Lucas, hinikayat ang mga pasyente na maging tapat sa health workers

By Jansen Ramos

Sa kanyang pakikiisa sa laban ng Department of Health kontra COVID-19, nanawagan si Jon Lucas sa bawat pasyente na ibunyag lahat ng importanteng impormasyon gaya ng kanilang travel history.

"Hinihikayat po na sa panahon ngayon na lalo tayo magkaisa para labanan po ang banta ng COVID-19," bungad niya sa kanyang Instagram post.

"Ang Department of Health po ay nananawagan sa lahat ng mga pasyente na i-disclose po lahat ng impormasyon sa ating mga health workers, lalo na kung may kaugnayan po ito sa ating mga pagbiyahe, at sa atin pong exposure sa COVID-19," malumanay na panawagan ni Jon.

Aniya, importenteng maging tapat ang mga pasyente sa health workers na frontliners laban sa paglaganap ng COVID-19.

"Mahalaga po na maging tapat po tayo para 'di natin sila mahawahan at para patuoy po nilang mapangalagaan ang mga tao na kailangan pa po ng kanilang pangangalaga."

Paalala pa ng Descendants of the Sun actor, "Makakaligtas po tayo ng maraming buhay sa atin pong pagiging tapat kaya naman po sana i-disclose po natin lahat ng impormasyon na ating nalalaman.

"Huwag na po tayong magsinungaling para po sa ikakaligtas ng marami."

Ayon sa latest report ng DZBB Super Radyo, 463 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. 33 ang nasawi rito, habang 18 na ang naka-recover.