Sheryl Cruz warns public: 'Bawal magsinungaling'
Nanawagan sa publiko si Magkaagaw aktres Sheryl Cruz sa kanyang mga tagahanga na manatiling ligtas sa gitna ng coronavirus pandemic na hinaharap ng bansa at ng buong mundo ngayon.
Sa kanyang Instagram, nag-post ang batikang aktres ng isang video upang paalalahanan ang publiko na 'wag magtago ng impormasyon sa health workers.
Aniya, “Mga kapuso, bawal magsinungaling. Sa mga panahon ngayon, kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID19.
“Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang lahat ng pasyente na i-disclose ang lahat ng impormasyon sa mga health workers. 'Wag po natin ilihim ang mga aktibidad lalo na kung may kaugnayan sa ating pagbiyahe at sa exposure natin sa mga kaso na may COVID-19
“Importante po ito para maiwasang mahawaan ang mga doktor, nurse, at iba pang frontline health workers.
“Ang inyong tapat na sagot ay maaaring makapagligtas ng mga buhay, hindi lamang ng health workers pati na rin ng mga pasyente na nangangailangan ng pangangalaga nila.”
Kabilang si Sheryl sa ilang Kapuso stars na nananawagan sa publiko matapos maiulat ang pagkamatay ng isang doktor dahil sa COVID-19.
Ayon sa reports, isang pasyente ang hindi nagsabi ng totoo nang tanungin ng doktor kung may travel history ba ito. Ilang araw ang lumipas at napag-alamang galing pala sa isang bansa na may COVID-19 case at positibo rin ang pasyente sa naturang virus.
Klea Pineda on recent COVID-19 news: “Dapat katotohanan lamang”
Betong Sumaya, nanawagan sa publiko: 'Kailangan natin amging tapat'