Lovi Poe, buong-puso ang pasasalamat sa mga frontliner na humaharap sa krisis dulot ng COVID-19
Hindi nakalimutan ng Owe My Love actress na si Lovi Poe ang mga frontliner na binubuo ng mga doktor, nurses, researchers at pati din volunteers na ngayon ay punong-abala para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kahapon, March 16, ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "enhanced community quarantine" sa buong isla ng Luzon bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa Instagram post ng Kapuso primetime star, inihayag niya ang pasasalamat sa mga ginagawang sakripisyo ng mga ito sa gitna ng pandemya.
Wika ni Lovi, "We're here sitting comfortably in our homes and some people are risking their lives out there... A big thank you to all our frontliners--doctors, nurses, researchers, medical teams, volunteers!
"I don't know how you do it but we are beyond grateful! ♥️ We're sorry if people can be such a pain at times. 🤪 #frontlinersPH"
embed:
Bibida si Lovi sa soap ng GMA Public Affairs na Owe My Love kung saan ilan sa makakasama niya ay sina Benjamin Alves, Winwyn Marquez, Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas at marami pang magagaling na comedians ng bansa.
IN PHOTOS: Meet Mariel, the beautiful sister of Lovi Poe
LOOK: Never-before-seen photos of Lovi Poe before her rise to fame