Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

EXCLUSIVE: EA Guzman, thankful sa pagpasok ng 'Coming Home' sa kauna-unahang summer edition ng MMFF

By Cara Emmeline Garcia
Ikinatuwa ni EA Guzman ang pagpasok ng 'Coming Home' sa nalalapit na MMFF ngayong Abril.

Ikinatuwa ni Kapuso actor EA Guzman ang pagkapasok ng kaniyang pelikula na “Coming Home” sa kauna-unanhang Metro Manila Summer Film Festival ngayong taon.

Aniya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, “Sobrang happy and thankful 'yung buong cast at production

"'Yung buong project na 'Coming Home' kasi, kung baga, nasa history kami ng Metro Manila Summer Film Festival 2020. So, this is 'yung first."

“Sobrang happy kami kasi napansin 'yung pelikula namin. Kung baga, maraming makakapanood, nagkaroon kami ng opportunities na mas maraming maka-relate sa istorya namin, at mas maraming makakapanood kung paano namin pinaganda 'yung pelikula.”

Dagdag pa ng 31-year-old actor, “For sure, makakarelate 'yung mga OFWs nating mga kababayan dun sa pelikula kaya very thankful kami sa MMFF sa 1st Metro Manila Summer Film Festival 2020.”

Makakasama ni EA ang iba pang Kapuso actors na sina Martin del Rosario at ang kasintahan nito na si Shaira Diaz. Kabilang pa sa pelikula ay si former Senator Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Vin Abrenica, Jules Estrada, at Jake Ejercito.

Gagampanan ni EA ang karakter ni Neb Librada, isang seaman at panganay sa anim na magkakapatid.

Kuwento niya, “So, ako 'yung pinakapanganay tapos anim kami magkakapatid dito.

“Magkapatid kami ni Shaira dito sa pelikula.

“Bali 'yung tatay ko dito is an OFW, so nag-ibang bansa siya. Tapos nagkaroon ng problema so 'yung karakter ko 'yung sumalo nun and doon mag-uugat 'yung galit ko sa tatay ko.”

Ilan pa sa mga ipapalabas sa nalalapit na Metro Manila Summer Film Festival ay ang “A Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla, “Isa Pang Bahaghari” nina Superstar Nora Aunor at Sanya Lopez, “Ngayon Kaya” nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, “Tagpuan” nina Alfred Vargaz, Iza Calzado, at Shaina Magdayao, “Love The Way You Lie” nina Alex Gonzaga at XIan Lim, “Love or Money” nina Coco Martin at Angelica Panganiban, at “The Missing” nina Joseph Marco, Ritz Azul, at Miles Ocampo.

Ipapalabas ang “Coming Home” at ang Magic 8 entries sa mga sinehan ngayong darating na April 11 na magtatagal hanggang April 21.

WATCH: Movie trailer of 'A Hard Day' starring Dingdong Dantes

Dingdong Dantes-starrer 'A Hard Day' included in the first MMFF Summer Edition's Magic 8

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.