Article Inside Page
Showbiz News
Comedienne Mosang catches us up sa mga nangyayari ngayon sa 'Adik sa 'Yo', and shares with us some of her plans after the show ends.
Comedienne Mosang catches us up sa mga nangyayari ngayon sa 'Adik sa 'Yo', and shares with us some of her plans after the show ends. Text by Jason John S. Lim. Photo by Mitch S. Mauricio.

Nang huli naming makausap si Mosang, they were taping scenes sa Bahay Aruga kung saan naninirahan na ang character niyang si Manang Mila para bantayan si Joanna (Jolina Magdangal). Since then, she says na "naging mas masalimuot ang istorya—kasi maraming natutuklasan."
"Mayroon din mga humahabol na mga bago pang characters," she adds.
The new characters she is referring to started with Chynna Ortaleza's arrival. Ngayong nagbalik na si Polo Ravales, as himself, at may isa pang character reveal na naghihintay for the viewers.
During the interview, we asked Mosang kung bakit nasa poder siyang muli nina Luigi at Stella. "Nandito lang ako para dumalaw," she explains. "Kasi kasama ko si James (Wendell Ramos) dahil kailangan niyang kausapin si Joanna, para mag-sorry."
Wait, mag-sorry? Ano kaya ang ginawa ni James? At bakit nasa bahay nina Luigi si Joanna? Bumalik na ba siya sa kanyang Popsie Luigi?
"Hindi pa eksakto na nandito na siya," Mosang answers teasingly. Kung anong ibig sabihin ni Mosang, we'll just have to wait and see sa natitirang three weeks ng
Adik sa 'Yo.
Post Plans ni Mosang
With
Adik sa 'Yo wrapping up its production, Mosang says may mga naka-line up na rin siyang projects. Nauna na rito ang second TVC niya para sa isang kilalang softdrink brand, at susunod na raw ang shooting para sa sequel ng
Ded na si Lolo.
"
40 Days na si Lolo" ang title, according to Mosang. "Gagawin na namin this September and October." And during this time din daw, "mayroon akong premiere ng next film, nung independent film na ginawa ko, sa AFP (Armed Forces of the Philippines) Theater soon."
At siyempre, hindi rin daw mawawala ang various TV guestings niya. ‚Yun lang, wala pa daw siyang alam kung ano ang magiging next project niya.
"Hindi ko pa alam kung anong ibibigay ng GMA," she admits. "Ako'y naghihintay. Pero, for sure, excited na naman ako, dahil alam ko naman ang binibigay ng Kapuso ay laging exciting at saka natutuwa ako sa mga roles na binibigay nila."
Will we be seeing her with Miss Helen Sese's (
Adik sa 'Yo executive producer) team again?
"Malamang," she says with a laugh. She admits, "siyempre sila ang gusto kong katrabaho, kasi sa kanila ako lumaki."
While waiting for her next TV project, Mosang says that she'll focus muna on
40 Days na si Lolo, and ang pag-produce ng DVD which will feature John Lapus’ performances. "Sana this October, ma-release na siya. Ito 'yung collection ng mga nakatatawang monologues ni John Lapus from way back pa, hanggang 'yung ngayon."
"Parang history ni John Lapus," dagdag niya. "Wala pa kasi 'yung Pinoy comedian na nagre-release ng [live-performance DVD]. Pero heto, I'm very excited for that."
Don't miss
Adik sa 'Yo gabi-gabi, pagkatapos ng
Rosalinda.