What's Hot

Kuya Dick, takbuhan ni Rosalinda (at ni Carla)

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 5:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Trump says Putin has been invited to join Board of Peace
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Si Roderick Paulate ay isa na sa mga bihasang aktor sa larangan ng pag-arte. At napaka-perfect fit na siya ang ma-cast bilang butihing ninong ni Rosalinda.
Si Roderick Paulate ay isa sa mga hinahangaan nating komedyante at aktor. And it was just a perfect fit nang ma-cast siya sa Rosalinda bilang takbuhan ni Rosalinda ng problema. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. stars "Actually, nagawa ko na din naman, no? Sa Ded Na Si Lolo, kaya lang maganda [din] at 'yung istorya iba naman. It's more of a relationship with Rosalinda. Alam mo 'yung ninong? Ninong na confidant and takbuhan ng problema. So iba naman 'yun," kuwento sa amin ni Roderick "Kuya Dick" Paulate nang amin madatnan sa set ng GMA Telebabad hit, Rosalinda. Dagdag pa na paliwanag ni Kuya Dick sa role niya bilang ang floristang si Florencio: "Pero, hindi ko tatanggalin 'yung ineexpect ng mga tao, ah! Medyo ineexpect nila 'yung taray ng kaunti, medyo may mga punchline. Hindi ko tatanggalin 'yun. But, of course, we have to stick to the script na ako 'yung very close to her and 'pag naapi siya, ipaglalaban ko si Rosalinda." Pero ano naman ang kanyang comment sa takbo ng show nila? "Nice characters, alam mo very—I would say—rich ang mga characters. Of course, we've seen Rosalinda before. But, of course, with the attack of our director, Maryo delos Reyes, hindi naman puede kasi basta ihahain mo 'yung Rosalindang napanood na nila noon," tugon ni Kuya Dick. "Especially, aside from the stories na ginagawang mga twist, he's very concerned how an actor would be portraying his role, would execute the role. Wala naman 'yung role ko sa Rosalinda. So kailangan lagyan ng twist, ibahin natin, 'yun ang si Maryo." Kinamusta siyempre din namin siya on being one of the first actors na naka-eksena ng ating Pinay Rosalinda na si Carla Abellana. "Nice! You know considering that it was her first time. I like the attitude of the girl. Of course, I know her mom (That's Entertainment regular, Rhea Reyes); we used to work in GMA-7 before, we did a soap, Ana Liza, way back in the '80s," ang balita ni Kuya Dick sa amin. "So now she's a mother (Rhea), and now, I'm working with the daughter." At para sa kanya, si Carla ay may mga katangian that would help guide her sa kanyang panibagong career, pangunahin na dito ang openness at humility ng dalaga. "Alam mo 'yun, she's not afraid to speak about her fears, which is very important in a workplace. Nag-vent siya at sinabi niya lahat 'yun [sa akin]. Ang ending nun, well, sabi niya na naiilang or nahihiya siya with the veterans, parang ganun. Sabi ko, with this kind of a very humble attitude of a new actress, sabi ko, 'Ako, I'm here to support you. And don't be scared kung nagkamali ka,'" paliwanag niya. "Kasi 'pag nagkamali sila, usually tumitingin sila sa akin, baka magalit [ako] or something. No, kung mabait [ka] naman and they're very willing to learn and they're studying their assignments, okey ako. I mean, I support them." Alam naman natin that for expert comedians like Kuya Dick, comedy is serious business. Kaya he accordingly adjusted to suit ang mga kadalasang ka-eksena niya tulad ni Carla at Sheena Halili: "Actually, si Carla, hindi pa puedeng mag-bato. So ang attack namin dito is realism, be natural, at do your role. If you're crying then cry sincerely and ako na ang bahala sa punchline, huwag ka ma-distract. May mga nangyayari during rehearsals tumatawa siya! Masasanay naman siya." Finally, kaya pala mukhang in his usual element si Kuya Dick at hindi lang dahil sa kanyang role, kundi din sa kanyang pag-reveal na he and Direk Maryo J have indeed come a long way: "As much as possible, I want to be my role to be as colorful as [can be], and I've worked with Maryo before, High School Circa '65. First directorial job niya, so alam na niya how I play." Pag-usapan ang mga payo ni Florencio kay Rosalinda. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!