Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Seventeen PH concert, dinumog ng fans

By Dianara Alegre
Tampok sa concert ang pinakatanyag na hits ng K-pop group na SEVENTEEN.

Three times the fun ang ikatlong concert sa Pinas ng K-pop boy group na SEVENTEEN, batay na rin sa lakas ng hiyawan ng dumalong fans nitong Sabado, February 8, sa Mall of Asia Arena.

Sa opening performance pa lang ng grupo, nang sayawin at awitin nila ang single ni "Getting Closer" ay hindi na magkamayaw ang fans sa pagtili at pagsigaw ng mga pangalan ng SEVENTEEN members na sina S.coups, Wonwoo, Mingyu, Vernon, Woozi, Jeonghan, Joshua, DK, Seungkwan, Hoshi, Jun, The8, at Dino.

Inawit din ng boy group sa kanilang “ODE TO YOU” concert ang fan favorite singles nilang "Rocket" at "Clap."

Kilala ang SEVENTEEN sa kanilang chart-topping hits na "Home," "Don't Wanna Cry," at "Very Nice."

Samantala, nakansela naman ang dapat sana'y susunod pang mga concert ng grupo sa Kuala Lumpur, Taipei, Madrid, Paris, London, at Berlin bilang bahagi ng kanilang world tour.

Panoorin ang nakakakilig na performance ng SEVENTEEN dito:

READ: K-Pop idol Jung Yong Hwa postpones concert due to Taal Volcano eruption

WATCH: K-Pop Boy Group, Winner, dances to "Tala"

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.