Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Kapuso actor Anjo Damiles, naka-relate sa role niya sa 'Ilaban Natin 'Yan'

By Racquel Quieta
Alamin kung bakit naka-relate si Anjo Damiles sa ginampanan niyang role sa 'Ilaban Natin 'Yan.'

Isa si Kapuso actor Anjo Damiles sa mga artistang magsasadula ng unang kwentong tampok sa pilot episode ng Ilaban Natin 'Yan.

Thea Tolentino at Anjo Damiles
Thea Tolentino at Anjo Damiles


Gagampanan ni Anjo ang role ng isang anak na naniningil ng utang sa kanyang ina. Si Cannes Best Actress winner Ms. Jaclyn Jose ang gaganap bilang kanyang ina, habang si Kapuso actress Thea Tolentino naman ang gaganap bilang asawa ni Anjo.

Naka-relate daw si Anjo sa karakter niya dahil nararanasan din daw nila sa kanilang pamilya ang pagkakaroon ng mga 'di pagkakaunawaan. Kwento niya, “Sa role ko po medyo naka-relate naman po ako kasi sa family ko po maraming misunderstandings, tapos walang makikinig kasi matataas ang pride. At tsaka dalawang lalaki din po kaming magkapatid. Mas bunso yung isa, so mas tutok mommy ko sa kanya, pero ayos lang naman sa akin. Hindi naman kailangang gawing big deal 'yon dahil mahal naman kami ng mommy namin.”

Naniniwala rin si Anjo na ang mahinahon na pag-uusap ang susi para malutas ang mga problema ng isang pamilya. Payo niya, “Hindi naman natin kailangang mag-away-away dahil walang sagot na makukuha 'pag nagsisigawan at puro away ang nangyayari.”

Abangan sina Anjo Damiles, Thea Tolentino, at Jaclyn Jose sa unang episode ng Ilaban Natin 'Yan ngayong Pebrero, dito lang sa GMA-7.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.