TINGNAN: Jak Roberto, napa-'hoy' sa sexy pictorial ni Sanya Lopez
'Di pa tapos ang Enero pero nagpapainit na kaagad si Kapuso actress Sanya Lopez sa kanyang Instagram.
Ibinahagi kasi ng sexy actress ang isang steamy behind-the-scene video para sa isang pictorial shoot niya ngayong taon.
Kitang-kita sa video ang magandang pangangatawan ni Sanya habang suot-suot ang isang black cut-out swimsuit.
Puring-puri ang kaseksihan ni Sanya sa social media post kaya umani pa ito ng iba't ibang komento tulad ng “hot,” “sexy” at fire emojis.
Habang ang nakatatandang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto, napa- “Hoy!” na lamang.
Sa nakaraang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jak, ibinahagi nito na hindi naman siya isang protective older brother sa kanyang kapatid.
Aniya, “Sakto lang. Balanced lang.
“Hindi naman mahigpit at hindi rin naman maluwag. Saktong guide lang at proper guidance sa kanya.
“Wala na kasi kaming tatay, e. Since ako naman 'yung lalaki at dalawa lang kami, ako na 'yung parang naging padre de pamilya at wala na siyang magagawa dun.”
WATCH: Jak Roberto to Sanya Lopez, “Kuya knows best”
WATCH: Sanya Lopez open to having a romantic relationship this 2020