What's Hot

WATCH: House of Kobe sa Valenzuela, simbolo ng legacy ni Kobe Bryant

By Dianara Alegre
Published January 28, 2020 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



House of Kobe, binuksan isang araw bago pumanaw si Kobe Bryant.

“Heroes come and go but legends are forever,” ito ang mga katagang nakatatak sa bagung-bagong basketball stadium sa Valenzuela, na binuksan sa publiko isang araw bago pumanaw ang basketball legend na si Kobe Bryant, nitong Linggo, January 26.

A post shared by NBA (@nba) on

Malungkot man ay wala na ang pag-asa ng Pinoy fans na balang-araw ay mabisita ng LA Lakers superstar shooting guard ang House of Kobe na ipinangalan sa kanya.

Ang dingding ng stadium ay puno ng mural ni Kobe na likha ng ilang Pinoy artists. Tampok sa sining ang Mamba Mentality o intensity ni Kobe sa paglalaro ng basketball na naging susi para mahalin siya ng lahat ng basketball fans.

Sa pamamagitan nito ay patuloy na mabubuhay ang legacy ni Kobe Bryant.

Silipin ang House of Kobe sa Unang Balita report:

IN MEMORIAM: A look back at Kobe Bryant's career highlights

WATCH: Kobe Bryant's legacy lives on