Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Jiro Manio, ipinagtanggol lang ang sarili nang hampasin diumano ng helmet sa ulo

By Aaron Brennt Eusebio
Panoorin ang CCTV footage ng diumanong away ni Jiro Manio at ng lalaking nagngangalang Zeus Doctolero.

Inilabas na sa publiko ang CCTV footage kung saan makikita ang engkwentro sa pagitan ng dating child actor na si Jiro Manio at ng lalaking nagngangalang Zeus Doctolero.

Sa kuha ng CCTV camera ng Barangay San Roque sa Marikina City, makikita si Jiro na naglalakad.

Ex-child actor Jiro Manio arrested in Marikina

Ayon sa mga police, natakpan lang ng puno ang kuha ng CCTV pero doon hinampas ng helmet ni Zeus Doctolero si Jiro kaya nagkaroon ng away.

Dagdag pa ng isang saksi, tatlong beses hinampas ng helmet ni Doctolero si Jiro.

"Nakaupo ako doon sa bangketa, nakita ko may commotion dyan. Akala ko noon hindi ko kilala, 'yun pala si Jiro," saad ng isang saksi.

Ayon naman sa kinakasama ni Jiro na si Karen Macalino, nagbago na ang binata at may mga proyekto na siyang nakatakdang gawin ngayong Enero.

"Siya mismo ang nag-volunteer na magtrabaho sa karenderya dito lang malapit sa bahay namin para daw makatulong sa amin," saad ni Macalino.

Nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide si Jiro.

Panoorin ang kuha ng CCTV sa report ng 24 Oras:

IN PHOTOS: Jiro Manio, Mark Anthony Fernandez at iba pang celebs na nabilanggo

IN PHOTOS: Jiro Manio then and now

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.