IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Mark Anthony Fernandez
Sinu-sino ang mga babae na naging bahagi ng buhay ni Mark Anthony Fernandez? Kilalanin sila sa gallery na ito.
Claudine Barretto
Si Mark Anthony ang first big love at first real heartbreak ni Claudine Barretto. Tumagal ang kanilang relasyon nang tatlong taon. Ayon sa aktres, maliban sa kanilang kabataan, nagkahiwalay sila dahil na rin sa drug addiction ng aktor nang mga panahong nagsama sila.
Melissa Garcia
Ikinasal si Mark Anthony kay Melissa Garcia noong 2006. Nauwi man sa hiwalayan ang kanilang pagsasama, nagkaroon sila ng dalawang anak.
Sunshine Dizon
Naging leading lady ni Mark Anthony si Sunshine Dizon sa Kapuso drama na 'Impostora.' Muli rin silang nagkatrabaho sa 'All About Eve.'
Regine Velasquez
Pinakilig naman ni Mark Anthony bilang si Cyrus Ruiz si Regine Velasquez sa Philippine remake ng rom-com na 'Ako si Kim Samsoon.'
Heart Evangelita
Naging magkatambal din sina Mark Anthony at Heart Evangelista sa fantasy-romance-drama na 'Luna Mystika.'
Lovi Poe
Naging leading lady rin ni Mark Anthony si Lovi Poe sa isang episode ng 'Love Bug' at sa 'Little Star' sa Kapuso network.
Camille Prats
Isa si Camille Prats sa madalas maging leading lady ni Mark Anthony. Nagsama ang dalawang artista sa Kapuso shows na 'Munting Heredera,' 'Bukod Kang Pinagpala,' at 'Wish I May.' Ani Mark, tila lucky charm niya si Camille.
Diana
Ang huling isinapubliko na relasyon ni Mark Anthony ay ang pagsasama nila ng modelong si Diana. Ayon sa actor ay siya na ang kanyang soulmate.