Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Dating sexy actress na si Jenny Roa, arestado sa buy-bust operation

By Dianara Alegre
Inaresto ng pulisya ang dating sexy star na si Jenny Roa dahil sa umano'y pagtutulak ng shabu.

Arestado ang dating sexy star na si Jennifer Kiilsgaard o mas kilala bilang Jenny Roa sa buy-bust operation na ikinasa ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit sa Eusebio Street Pasay, kahapon, Disyembre 25.

Nakorner ng pulisya si Jenny at kasabuwat umano nitong si Norman ViƱa matapos mahulihan ng PhP300 pisong shabu sa entrapment operation.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng PhP31,000.

Umamin si Jenny na gumagamit ng shabu ngunit itinanggi niya ang akusasyong pagtutulak ng ng ipinagbabawal na gamot.

Taong 1994 nang maging Tanduay Calendar Girl Jenny.

LOOK: Jenny Roa, Loonie at iba pang celebrities na nasangkot sa illegal na droga

Panoorin ang buong Unang Balita report:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.