Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: 8 pelikula sa MMFF 2019, may kanya-kanyang paandar sa kanilang float

By Dianara Alegre
Nagtagisan ng float ang walong pelikulang kasali sa 2019 Metro Manila Film Festival Parade of Stars.

Nagtagisan at kanya-kanya ang paandar ng float ng walong pelikulang kasali sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars na ginanap kahapon, Disyembre 22.

Mahigit 15 kilometro ang inikot ng parada, pero higit sa floats gaya ng pugita, barko, at malaking gift box, mas inabangan ng fans ang mga artistang bibida sa walong entry kabilang sina Vic Sotto at Maine Mendoza na nagtambal sa Mission Unstapabol: The Don Identity.

Patatawanin nina Jennylyn Mercado at Aiai Delas Alas ang fans sa 3pol Trobol Huli ka Balbon.

Tampok naman sa horror film na Sunod si Carmina Villarroel habang magpapakilig naman si Descendants of the Sun actor Rocco Nacino sa pelikulang Write About Love.

Isa naman sa mga bida ng period film na Culion si Jasmine Curtis-Smith.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras:

WATCH: The official trailer of MMFF 2019 film 'Write About Love'

Vic Sotto, hinahangad pa kayang maging number one sa MMFF 2019?

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.