
Full-support ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa kanyang bagong alagang si Tombi Romulo.
Aiai Delas Alas, muling magma-manage ng talents?
Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Aiai ang kanilang larawan kasama ang poster ng show ng dating The Clash contestant, na kung tawagin niya ay "Tombi Girlie," sa Joke Time comedy bar sa Pasay.
Regular na nagsho-show sa nasabing comedy bar si Tombi bago pa man siya sumali sa The Clash.
Pero, ayon kay Aiai, ito ang unang beses na magpe-perform si Tombi sa primetime slot nito.
Saad ni Aiai sa caption, "Wow prime time na s'ya ngayon wohooo...
"Nood kayo sa kanya mamaya first time n'ya daw mag-primetime sa Joke Time comedy bar sa Pasay...
"Wow, naks, iba ka na ngayon yehey."
Agad namang nag-comment si Tombi sa post ni Aiai para pasalamatan ang kanyang ngayo'y manager.
"Salamat manager, love na love mo 'ko," sulat ng The Clash alumna.
"Salamat po sa pag-boost...
"Salamat sa name na Tombi Girlie.
"Love you mamsh @msaiaidelasalas.
"Salamat po kung pwede lang sana eh 'di kayo po ang guest ko..."
WATCH: Aiai Delas Alas, napaluha sa performance ni Tombi Romulo sa 'The Clash'
WATCH: Sinong Clasher ang pinangalanan ni Super Tekla na "Tombi?"