Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Faith Da Silva, flattered daw kapag nasasabihang kahawig ni Pia Wurtzbach

By Felix Ilaya
Faith Da Silva, sasali rin kaya sa mga pageants gaya ng ka-look-alike niyang si Pia Wurtzbach?

Maraming netizens at fans na ang nakakapansin sa pagkakahawig ng rising Kapuso actress na si Faith Da Silva kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

LOOK: Meet Faith Da Silva, the rising Kapuso actress who looks just like Pia Wurtzbach


Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Faith, inamin niyang masaya raw siya sa tuwing sinasabihan siyang kamukha niya ang beauty queen.

"Flattered ako siyempre, ang ganda-ganda ni Pia Wurtzbach. Kapag sinasabi nila na kahawig ko siya, natutuwa ako.

"Isa siya talaga sa mga iniidolo ko, since before pa. When she won, I saw her, sabi ko 'Ang ganda niya, I wanna be like her.'

"Akala 'nung ibang tao ginagaya ko 'yung style niya pero hindi. Talagang nagkakataon lang na may pagkakahawig kaming dalawa," wika ni Faith.

Dagdag pa ng 19-year-old actress who currently stands at 5'8", pangarap din daw niya sumali sa mga beauty pageants gaya ni Pia.

Aniya, "May plan din naman ako na sumali and kapag magkakaroon ng opportunity, siguro mga after three years, 'di natin masasabi.

"Right now, I'm still in high school, tinatapos ko pa. Balak ko naman makapag-college muna para naman medyo matalino tayo sa question and answer [laughs]."

Nakilala si Faith sa kanyang pagganap sa karakter ni Fareeda sa Sahaya.


Mapapanood naman siya ngayon sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday with Barbie Forteza, Kate Valdez, Snooky Serna, and Dina Bonnevie, soon on GMA.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.