What's Hot

WATCH: Bianca Umali, naiyak sa kanyang contract signing

By Maine Aquino
Published December 11, 2019 8:46 PM PHT
Updated December 13, 2019 12:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali during her contract signing with GMA Network 


Bakit napaluha si Bianca Umali matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA Network?

Punung-puno ng pasasalamat si Bianca Umali sa ginanap na contract signing niya sa GMA Network ngayong December 11.

Sa kanyang interview kay Nelson Canlas, ibinahagi ni Bianca ang kanyang pasasalamat sa GMA Network kung saan nananatili siyang loyal for 10 years.

"Thank you sa lahat-lahat po ng mga tao. And of course, sa aking mga boss, sa aking network sa tiwala, sa pagmamahal. Isang karangalan pong maging Kapuso."

Ikinuwento rin ni Bianca ang kanyang mga natutunan sa industriya.

"Patience, and to learn from your mistakes and to also know that people love you."

Inilahad ni Bianca ang kanyang pasasalamat sa mga boss at kanyang mga nakatrabaho sa loob ng 10 taon sa Kapuso network.

"Gusto ko pong iparating sa kanila na walang iba kung hindi salamat po sa tiwala, sa pagmamahal, sa lahat lahat."

Dagdag pa ni Bianca, "Hindi ko naman hiningi lahat e, pero binibiyayaan po ako and binibigay po sa akin ang mga pagkakataon. I am very thankful kasi yun nga sabi ko hindi naman ako perpektong tao."


Bianca Umali renews contract with GMA Network on her 10th anniversary as a Kapuso

IN PHOTOS: Bianca Umali renews ties with GMA Network