Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Dalawang GMA Pinoy TV original programs, wagi sa 2019 Migration Advocacy and Media Awards

Updated On: December 10, 2019, 03:21 PM
Panalo sa 2019 Migration Advocacy and Media Awards ang dalawang orihinal na programa mula sa GMA Pinoy TV.

Dalawang orihinal na programa mula sa GMA Pinoy TV ang pinarangalan sa 2019 Migration Advocacy and Media (MAM) Awards.


Nabingwit ng programang Becoming Pinoy ang Television Journalism Award - Best TV Interstitial on Migration para sa short-form content nito tungkol sa mga Pilipinong ipinanganak at lumaki abroad.

Tinatalakay ng programa ang mga pagsubok na dinanas nila tulad ng diskriminasyon, pati na ang tagumpay nila sa piniling mga karera.

Pinarangalan din ang Pusong Pinoy sa America ng Television Journalism Award - Best Regular TV Program on Migration para sa pagtalakay nito ng iba't ibang immigration law concerns.

Ito ay co-produced kaakibat ang Tancinco Law Offices at kasalukuyan itong nasa ika-15 season.

Ang GMA Pinoy TV ang flagship international channel ng GMA Network. Layunin nitong dalhin ang mga top-rating soaps, comedy, talk, reality, game, variety shows, at award-winning newscasts sa mga Pilipino naninirahan sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.