Filtered By: Showbiz News | News
Katrina Halili ready to play villain roles again
Published On: April 30, 2009, 12:00 AM
Updated On: October 15, 2020, 11:18 PM
Ready na ulit na magkontrabida si Katrina Halili dahil nami-miss na raw niya ang maging maldita sa TV.
Ready na ulit na magkontrabida si Katrina Halili dahil nami-miss na raw niya ang maging maldita sa TV.
Mas nakilala kasi si Katrina bilang kontrabida sa pagganap niya noon bilang Black Darna sa Darna ni Angel Locsin at bilang si Angelika sa Marimar ni Marian Rivera.
Nabanggit ni Katrina sa isang TV interview na kapag nasasalubong daw siya ng kanyang mga fans, "Angelika" pa rin daw ang tawag sa kanya. Sabay sinasabi na bumalik siya sa pagiging kontrabida dahil bagay raw sa kanya 'yon.
"Nakakatuwa naman kasi kahit maldita at masama ako sa TV, gusto pa rin nila ako. Akala ko kasi before, tatatak sa pagkatao ko ang pagiging kontrabida at isipin nila na gano'n ako in real life. Pero hindi naman pala. Kaya parang feel ko ulit na magkontrabida kasi lovable pa rin daw ako kahit nagtataray ako," pahayag ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Matatandaang umiwas muna si Katrina sa paglabas bilang kontrabida pagkatapos ng Marimar. Nagbida siya sa afternoon soap opera ng GMA-7 na Magdusa Ka at naging isa siya sa superheroes sa Gagambino. Kailan lang din ay nagbida siya sa one-month episodes ng Obra at Dear Friend.
"Tulad nga ng sinabi ko, nakaka-miss ang maging kontrabida," ani Katrina. "Minsan inaakting ko na lang ng mag-isa kasi nga umiwas muna ako sa gano'ng role. Ngayon, parang feel ko na ulit. Pero depende sa project. Kapag malaking project siya na alam ko na panonoorin ng marami, okey sa akin 'yon."
Marami naman ang nagsa-suggest na si Katrina ulit ang kunin para maging kontrabida ni Marian sa Darna. Pwede siyang gumanap bilang ang bagong Valentina na huling ginampanan ni Alessandra de Rossi. - PEP.ph
Tanungin mo mismo si Katrina kung gusto niya talagang mag-kontrabida ulit! Text KATRINA [Your Message] Send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper just text GOMMS KATRINA to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Alamin kung ano pa ang pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!
Tags:
katrinahaliliTrending Articles